Friday, June 08, 2012

A Typical Ending for a Vintage Filipino Action Film


Napatay na ng bida ang dalawang dosenang hoodlum gamit ang dalawang magasin ng M-16. Lahat ng hoodlum na tinamaan niya ay patay, pero si bida ay walang ni isang daplis kahit pinag-babaril siya ng mga M-16s at ibang automatic rifles.

Sa huli, si bida na lang at si punong kontrabida ang natitira. Siyempre, dapat mo nang mag-usap bago mag-patayan.

Kapitan Manda Rambong (nagpapalit ng magasin ng M-16): Sarhento Matino, nasusuka ako sa kalinisan mo! Putcha! Di ka mabili! Ang taas ng prinsipyo mo!

Sarhento Matino:  Kapitan, pinalaki ako ng tama! Tinuruang magsimba, magdasal, at matakot sa Diyos!

KMR:  Putcha! Ang dami mo pang satsat! Tapusin na natin ‘to!

SM (ina-asinta na ang pinagtataguan ni KMR):  Sige. Dapat nang maalis ang mga katulad mo sa serbisyo! Patawad kong mapatay kita!

KMR:  Pwe! Ang bait mo!

(Lalabas si KMR sa pinagtataguan, handang bumaril. Nanlaki ang mga mata at naihi si KMR ng makitang bumubuga na ng bala ang Armalite ni SM.)

SM (Gumagawa ng sign of the cross at mataimtim na nagdasal nang makitang patay na si KMR): Ang batas at hustisya ay walang awa din.

-Prospero Pulma Jr.

Labels: , , , ,

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.