sa ilalim ng iisang bubong
mula sa bahay na marmol
at bahay na kariton, sila’y umalis
at sumilong sa iisang bubong
para mag-pasalamat o mag-sumamo.
sa ilalim ng bubong ng bahay
ng tinatawag nilang Ama
maririnig ang maraming tinig ‑
tinig ng tuwa, tinig ng hinagpis.
iba’t ibang panalangin pero iisa ang sinasabi:
“Panginoon ko, Diyos ko.”
-Prospero Pulma Jr.
Labels: Ama, Catholic poems, Catholic poetry, Catholicism, Diyos, Filipino poem, Filipino poetry, Panginoon, poem, religious poetry