A Typical Ending for a Vintage Filipino Action Film
Napatay na ng bida ang
dalawang dosenang hoodlum gamit ang dalawang magasin ng M-16. Lahat ng hoodlum na
tinamaan niya ay patay, pero si bida ay walang ni isang daplis kahit
pinag-babaril siya ng mga M-16s at ibang automatic rifles.
Sa huli, si bida na
lang at si punong kontrabida ang natitira. Siyempre, dapat mo nang mag-usap
bago mag-patayan.
Kapitan Manda Rambong (nagpapalit
ng magasin ng M-16): Sarhento Matino, nasusuka ako sa kalinisan mo! Putcha! Di
ka mabili! Ang taas ng prinsipyo mo!
Sarhento Matino: Kapitan, pinalaki ako ng tama! Tinuruang
magsimba, magdasal, at matakot sa Diyos!
KMR: Putcha! Ang dami mo pang satsat! Tapusin na
natin ‘to!
SM (ina-asinta na ang pinagtataguan
ni KMR): Sige. Dapat nang maalis ang mga
katulad mo sa serbisyo! Patawad kong mapatay kita!
KMR: Pwe! Ang bait mo!
(Lalabas si KMR sa
pinagtataguan, handang bumaril. Nanlaki ang mga mata at naihi si KMR ng
makitang bumubuga na ng bala ang Armalite ni SM.)
SM (Gumagawa ng sign of
the cross at mataimtim na nagdasal nang makitang patay na si KMR): Ang batas at
hustisya ay walang awa din.
-Prospero Pulma Jr.
Labels: Armalite, Filipino action films, M-16, Philippine action films, Philippine film industry
0 Comments:
Post a Comment
<< Home